ask ko lang po
sabi ng maraming Pinoy
including mga Pilipinong bakla
sa Amerika lang daw matindi ang homophobia
sa Pilipinas daw, TANGGAP na ang mga bakla at tomboy
wala daw statistics dito ng mga baklang binubugbog at tinatanggal sa trabaho dahil homosexual ang mga bakla
sabi ng mga friends kong babaing bakla, wala silang alam na kaso ng homophobia
whenever i talk in gatherings about homophobia, listeners say it is not as widespread as i like to believe it is
ano ba ang totoo
sino ba ang nagsasabi ng totoo? may homophobia ba sa Pilipinas o wala?
ano ang proof?
nasaan ang statistics mula sa Philippine National Police at NBI?
meron ba dito sa Multiply na makakapagkwento ng EXACTO na circumstances?
ano ang mga trabaho na nagtanggal sa bakla?
may kaibigan ba kayong Pinoy na bakla na sinaktan dahil sa homophobia?
magkano ang nawawalang kabuhayan dahil sa homophobia?
magsalita ka na, Bayan!
hwag nang manahimik
kung meron kang datos, i-share mo na
para malaman natin ang totoo
kung may homophobia nga sa Pilipinas
o wala
salamat po
god bless!